Bishops seek ban on condom ads in media, billboards - Nation - GMANews.TV - Official Website of GMA News and Public Affairs - Latest Philippine News
Nakakatawa isipin na ang mismong simbahang katoliko ang nagpapabawal ng pagbibigay at pag-adbertismo ng condom na malaking maitutulong sa paghinto di man 100%, ng paglaganap ng AIDS, VD, Herpes at mga nakakahawa o nakamamatay na sakit dahil sa pakikipagtalik. Hindi naman bobo ang mga pilipino. Nakakaintindi na ang karamihan sa atin. Pero gusto pa rin gawing ignorante ng simbahang katoliko gamit ang bibliya. Ang aking unang tanong, nangangaral ba ang simbahan sa pagbabawal ng pakikipagtalik? Bakit mas maraming katoliko ang nagbubuntis ng walang asawa? Walang kasal ang iba? Mas maraming di na birhen lalo na sa mga Catholic School? Nagkaroon na ba ng pagpupulong ang mga katoliko upang bigyan ng aral o edukasyon ang mga magulang para sa kapakanan ng kanilang mga anak? Lalo na ang mga anak na babae? Hindi pa, kailanman. Ngayon, sa hirap ng buhay sa Pilipinas ang tangi lang o unang hakbang ng mga pulitiko para sa kapakanan ng mga masa ay magbigay ng libreng condom na totoo namang maaaring pumigil sa paglaganap ng mga sakit. Bakit ayaw ng simbahang katoliko ito? Pero teka, nakapamahagi na ba ang katoliko para sa mga research o paghanap ng gamot para mapagaling ang sakit na AIDS? Anong foundation ba nagaabuloy ang simbahang katoliko? At bakit nakikialam ang simbahang katoliko sa pulitika ng Pilipinas? Isang paraan para maiwasan ang AIDS at iba pa ay pinipigilan? At sasabihin nila na makakapagpababa ng moral ang pagbibigay ng libreng condom o pag adbertismo? Ano ang gusto niyo mga bishop o kung anuman ang tawag sa inyo, magtago ang masa sa pagbili nito? Gayong puede naman bigyan sila ng aral para maiwasan ang mga bawal na sakit. Pero hindi at ayaw ng katoliko dahil (daw) sa moral. Moral nga ba o sa kadahilanang kapag kaunti na ang ang pumapasok sa simbahan ay kaunti na rin ang abuloy. Kaunti na rin ang kita dahil sa abuloy kumikita ang mga pari, pastor, at lahat ng lider ng simbahan. P94m nga ang gastos ni Villanueva sa kampanya. Saan ba niya nakuha yan, kailan lang naman ang radyo niya, hindi ba sa abuloy ng masa. Sa madali't salita di moral ang argumento ng simbahan kundi kita o abuloy dahil kung moral ang gusto nilang ipahayag di nila pipigilan ang masa na mayroon ng talino at di basta nagpapadala. Pero di naman nahihinto ang abuloy ng masa sa simbahan di ba? Ano pa ang kinababahala nila? Isipan niyo na lang na kailanman ay di nagbayad ng buwis ang lahat ng simbahang katoliko sa pagpapatayo ng simbahan at kung itong paghinto lang ng bawal na sakit ay inyo pang pakikialaman, Tanungin niyo ang sarili niyo- alagad nga ba kayo ng kabutihan? Gising na po ang masang pilipino. Huwag niyo na po kami gawing ignorante.
Subscribe to:
Posts (Atom)
